Wednesday, June 17, 2026

Sen. Kiko Pangilinan, magsasampa ng kaso sa 18-ex bodyguards ni Zaldy Co

Magsasampa ng kaso sa Korte si Senator Kiko Pangilinan laban sa 18 dating tauhan ni dating Cong. Zaldy Co matapos siyang idamay at ang kanyang pamilya sa isyu ng mga hinatiran ng male-maletang kickback sa flood control projects.

Bagama’t hindi direktang idiniin sa ginanap na press conference ng 18 ex-bodyguards ni Co si Pangilinan sa tumanggap ng maletang pera, ipinakita naman dito ang isang larawan kasama ang ilang dating tauhan ni Co kung saan naroroon ang senador, ang aktres at asawang si Sharon Cuneta at kanilang dalawang anak.

Hindi palalagpasin ni Pangilinan ang pagdamay sa kanyang pamilya kaya hindi lang pasaring, alegasyon o palabas ang matitikman ng 18-ex bagmen kundi kakasuhan niya sa korte ang mga ito dahil sa paninirang ginawa sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sinabi pa ng mambabatas na nais lang ng mga ito na mantsahan ang naiulat na pagupo niya bilang Chairperson ng Blue Ribbon Subcommittee na naatasang magpatuloy sa imbestigasyon ng flood control scam.

Binigyang-diin ni Pangilinan na walang katiting na basehan ang mga paratang sa kanya kaugnay sa ninakaw na bilyon-bilyong pisong kaban ng bayan.

Facebook Comments