Friday, October 30, 2026

Malacañang, tiniyak na handa ang gobyerno sa anumang krisis kasunod ng panawagang mag-imbak ng pagkain

Tiniyak ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa anumang posibleng sakuna o krisis na maaaring maranasan ng bansa.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nang tanungin tungkol sa kahandaan ng Pilipinas sa gitna ng mga hakbang ng ilang bansa na pinaghahanda ang kanilang mga mamamayan ng pagkain, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan para sa emergency.

Ayon kay Castro, bahagi ng ginagawa ng pamahalaan ang paghahanda upang matiyak na makatutugon ito sa anumang maaaring mangyari.

Gayunman, hindi na nagbigay ng detalye ang opisyal kung anong mga posibleng sitwasyon ang pinaghahandaan ng gobyerno at kung anu-anong hakbang ang isinasagawa nito.

Kabilang sa mga bansang nagpaalala sa kanilang mga mamamayan na maghanda ng mga pangunahing pangangailangan para sa emergency ang United States, United Kingdom, Japan at Australia.

Facebook Comments