Thursday, October 29, 2026

PCO, paiigtingin ang pakikipagtulungan sa media kontra fake news

Pinaigting ng Presidential Communications Office o PCO ang paglaban sa fake news at hinimok ang media na tiyakin ang tama at responsableng pagbabalita.

Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangang agad na itama ang mga maling impormasyon upang hindi ito kumalat at paniwalaan ng publiko.

Paliwanag ni Castro, natatabunan ng fake news ang mga totoong balita at naaapektuhan hindi lamang ang pamahalaan kundi pati ang lehitimong media.

May anti-fake news desk din ang PCO na sumusubaybay sa mga maling impormasyon at tumutukoy sa mga kasong maaaring sampahan ng reklamo.

Gayunman, nilinaw ni Castro na magkaiba ang lehitimong pagpuna sa pamahalaan at ang sadyang pagpapakalat ng kasinungalingan upang manira.

Tiniyak ng opisyal na patuloy na makikipagtulungan ang PCO sa media upang labanan ang fake news at maihatid sa publiko ang tama at mapagkakatiwalaang impormasyon.

Facebook Comments