Tuesday, October 27, 2026

Guro mula Mindanao, inireklamo ang kinakasamang pulis dahil sa umano’y pang-aabuso

COURTESY: NAPOLCOM

Nagsampa ng reklamong administratibo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang guro mula sa Mindanao laban sa kaniyang kinakasamang pulis dahil sa umano’y paulit-ulit na pang-aabuso sa loob ng halos 9 taon.

Sa press briefing ng NAPOLCOM ngayong Martes, Oktubre 27, humarap ang guro na itinago sa alyas na “Ma’am” at inireklamo ang kaniyang live-in partner na si Police Corporal Ricardo Silva Jr., na nakatalaga sa Camp Crame.

Binigyang-diin ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan na hindi nila kukunsintihin ang pananakit ng mga pulis, lalo na sa kanilang kinakasama o asawa.

Hinimok naman ng guro ang iba pang kababaihang nakararanas ng pang-aabuso na huwag manahimik at agad humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Humingi naman ng paumanhin si Pcpl. Silva sa kaniyang kinakasama.

Isusulong naman ng NAPOLCOM ang kaukulang prosesong administratibo laban kay Silva kaugnay ng Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer.

Facebook Comments