18 indibidwal kabilang ang No. 1 drug priority ng QCPD, arestado sa buy bust operation

Huli ang No. 1 drug priority ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang buy bust operations ng mga awtoridad sa Tinagan St., Brgy. San Jose, La loma, Quezon City.

Kinilala ni Police Brigadier General Nicolas D. Torre III, District Director ng QCPD at ni Drug Enforcement District Unit (PDEU) Chief Police Major Hector Ortencio ang nahuling number 1 drug priority na si Jericho Yang, alyas “Jepoy” 26-anyos na residente ng Brgy. San Jose, Quezon City.

Nakuha sa kanya ang humigit kumulang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600 at 5 gramo ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P600, cellphone, itim na coin purse at buy bust money.


Bukod kay Yang, 17 iba pang drug suspect ang nadakip sa operasyon.

Sa kabuuan, aabot sa P280,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga suspek.

Sinampahan na sila ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments