
Pinaiimbestigahan ng Senado ang patuloy na pagpatay sa mga tinatawag na environmental defenders sa bansa.
Sa Senate Resolution 697 na inihain ng opisina ni Senator Jinggoy Estrada tinukoy ang 2026 Global Witness Report na ang Pilipinas ang siyang pinakamaraming namamatay na environmental defenders sa Asya sa ika-13 sunod na taon.
Ang mga biktima pa dito ay mga ordinaryong tao nagtatanggol lang sa kanilang lupa, kabuhayan, at kalikasan, ngunit nagbubuwis ng buhay.
Iginiit ni Estrada na hindi dapat magbulag-bulagan lalo na’t patuloy na nangyayari ito kung saan 124 na land at environmental defenders ang napatay noong 2025 sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 12 kaso ng pagpatay na siyang pinakamarami na labas sa Latin America kung saan anim sa mga ito ay indigenous people, tatlo ay mga ordinaryong magsasaka at isang journalist.










