
Isinulong ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative PM Vargas na magkaroon ng health insurance coverage ang mga nagtatrabaho sa informal sector tulad ng mga public utility drivers, delivery riders, at mga street vendors.
Ang nabanggit na proteksyon at mga benepisyo para sa mga nasa informal sector ay nakapaloob sa inihain ni Vargas na House Bill No. 11028, panukalang Informal Workers Health Benefits and Insurance Act.
Ini-uutos ng panukala ang pagbuo ng National Informal Workers Health Insurance Program na pamamahalaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), katuwang ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan.
tinukoy ni Vargas na batay sa pagtaya ng IBON Foundation estimates, ang nabanggit na sektor ay bumubuo sa 42% ng mga manggagawa sa bansa o 20.6 million mga Pilipino.
Diin ni Vargas, ang ating mga informal workers ay maituturing na sandigan ng pang-araw araw na ekonomiya kaya marapat lang na pagkalooban sila ng maaasahang proteksyon sa kalusugan.










