Wednesday, July 29, 2026

Prosekusyon, hindi pa napapatunayan na confidential funds ng OVP at DepEd ang mahigit P612 million na withdrawal sa 2 Land Bank branches

Hindi pa na-e-establish o napapatunayan ng prosecution team na confidential funds ang tinukoy na malalaking cash withdrawals ng dalawang testigo na humarap ngayon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa impeachment trial ay humarap sina dating Land Bank Shaw Boulevard branch manager Violeta Constantino at dating Land Bank Department of Education (DepEd) branch manager Nenita Camposano.

Si Constantino ang nag-supervise ng apat na beses na encashment ng P125 million ng Office of the Vice President (OVP) habang si Camposano naman ang nag-asikaso ng tatlong beses na withdrawal ng P37.5 million noong Secretary pa ng DepEd si Duterte.

Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, inilalatag pa lang ng prosekusyon ang flow ng kanilang akusasyon.

Bukod dito, ang testimonya ng dalawang testigo ay limitado lang sa kanilang personal knowledge sa encashment ng mga cheke.

Facebook Comments