
Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na may sinusundan nang lead ang PNP kaugnay ng Improvised Explosive Device o IED na narekober sa Senado at Department of Justice (DOJ) noong Lunes.
Nabatid na sumabog sa tapat ng tanggapn ng DOJ ang isang IED habang narekober naman ang isa pa na malapit naman sa Senado sa kasagsagan ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Ayon kay Nartatez, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing mga insidente at tiniyak na mahuhuli ang mga nasa likod nito.
Matatandaan na una nang sinabi ni Nartatez ang posibilidad na magkaugnay ang nasabing dalawang insidente.
Kung saan posible rin umanong pananakot ang motibo rito.
Facebook Comments










