Friday, July 31, 2026

Mga pahayag ni VP Duterte, nagpapakita na marami siyang alam sa usapin ng patayan

Ayon kay House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, makikita ngayon na marami talagang alam at magaling si Vice President Sara Duterte pagdating sa pagbabanta, patayan at karahasan.

Sinabi ito ni Adiong kasunod ng pahayag ni VP Sara sa “Free Duterte Now” rally sa The Hague na malala ang “gun violence” sa Pilipinas kung saan maari daw siyang mag-hire ng gunman sa halagang 5,000 pesos kung may kerida ang kanyang asawa.

Punto pa nito, nahaharap ngayon ang bise presidente sa alegasyong nakapaloob sa ika-apat na article of impeachment na may kinausap itong papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., first lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Diin pa ni Adiong, ang problema sa peace and order ng bansa ay tinutuguan ng mga kaukulang ahensya sa pangunguna ng Pambansang Pulisya kaya bilang vice president ay dapat tumulong dito si Duterte sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mga nalalaman kaugnay sa mga pagpatay.

Facebook Comments