
Karapatan ni Atty. Mans Carpio na magsampa ng legal na aksyon kung nais niyang kuwestiyunin ang paglalabas ng kanyang tax records sa impeachment court.
Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Carpio na may mga legal na isyung dapat munang dinggin ng korte kaugnay ng awtorisasyong ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para isumite ang kanilang tax records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sumusunod lamang ang Pangulo sa proseso at umiiral na batas upang mailabas ang katotohanan.
Kung wala aniyang itinatago at walang makikitang iregularidad sa mga rekord, ay wala umanong dapat ikabahala sa pagsusuri ng mga ito.
Sa halip, sinabi ni Castro na maipagmamalaki pa ni Carpio at VP Sara na ang mga kinita nila ay nagmula sa malinis na paraan.










