Mga kailangang lehislasyon para sa DSWD, tinalakay ni Secretary Gatchalian sa ilang kongresista

Matapos pormal na bumaba bilang kinatawan ng unang distrito ng Valenzuela City ay nag-courtesy call na kay House Speaker Martin Romualdez si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Nagpasalamat si Gatchalian sa pamumuno at paggabay sa kanya ni Speaker Romualdez sa mga nakaraang buwan bilang bahagi ng Mababang Kapulungan.

Kasabay nito ay binisita rin ni Gatchalian si House Committee on Social Welfare Services Chairperson at Nueva Ecija 3rd District Representative Rossana Ria Vergara.


Kanilang pinag-usapan ang mga kailangang panukala para sa DSWD.

Saktong nasa tanggapan ni Vergara kaya nakasama sa talakayan sina Quezon 1st District Representative Wilfrido Mark Enverga, San Jose del Monte City Representative Florida Robes, Nueva Vizcaya Representative Luisa Lloren Cuaresma at Laguna 1st District Representative Ma. Rene Ann Lourdes Matibag.

Diin ni Gatchalian, mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura para mahanapan ng solusyon ang pang-araw-araw na mga social welfare problem.



Facebook Comments