
Patas at pantay na paglilitis.
Ito ang idiniin ni Senator Bong Go nang matanong sa ginawang pagbawi ng proseksuyon sa tatlong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Go, bilang senator-judge at kahit sino aniya ay nais makakita ng patas at pantay na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Tumanggi naman si Go na magkomento sa tanong kung sa tingin niya ay hindi ba patas ang ruling ng Impeachment court na payagan ang pagbawi sa tatlong articles of impeachment dahil ongoing pa ang paglilitis.
Dagdag ng senador, karapatan naman ng prosekusyon na bawiin ang mga articles of impeachment pero sana nabigyan ng pagkakataon ang kabilang panig na makalaban ng patas.
Facebook Comments










