
Pinagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang hiling ni ex-House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City pirmahan ang pre-trial order sa Lunes, October 12.
Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division, nangangahulugan ito na dadalo si Romualdez via video conference sa unang araw ng kaniyang bail hearing para sa kasong plunder sa Lunes, October 12.
Matatandaang nahaharap si Romualdez sa nasabing kaso, na may kaugnayan sa umano’y ₱7.44 billion kickback sa mga infrastructure project ng gobyerno noong 2022 hanggang 2025.
Facebook Comments










