
Nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD si House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Ang kanyang oath-taking ay pinangunahan ni Camiguin Rep. JJ Romualdo na syang Vice President for Mindanao ng Lakas-CMD.
Si Rep. Sandro ay miyembro ng Partido Fideral ng Pilipinas o PFP bago sya manumpa sa Lakas-CMD.
Ang PFP ay partido ng ama ni Congressman Sandro na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Presidente naman ng Lakas-CMD ang tito ni Rep. Marcos na si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ngayon ay nakabilanggo dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scam.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 64 ang miyembro ng Lakas-CMD sa House of Representatives.
Facebook Comments










