Mga maswerteng PESO staff na nabigyan ng regalong bisikleta sa 4th Anniversary ng DZXL 558 Radyo Trabaho, kilalanin!

49

Nabunot na ang apat na maswerteng Public Employment Services Office (PESO) staff sa Metro Manila na mabibigyan ngayong araw ng dekalikad na bisikleta.

Ito ay regalong handog mula sa puso para sa ating masisipag na PESO staff bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong araw ng ika-apat na anibersaryo ng “DZXL 558 Radyo Trabaho” para sa pagbibigay ng gabay sa hanapbuhay.

Sa ating “Bisikletrabaho Year 4 raffle”, nabunot kanina sa programang Straight to the Point ang unang maswerteng PESO staff mula sa Pasay-PESO na si Blenda Onisa.


Mula naman sa PESO-San Juan ang ikalawang nabigyang ng bisikleta na si Maria Lourdes Oprenario na binunot sa programang Usapang Trabaho.

Si Rosaflor Jerezo ng PESO-Taguig naman ang pangatlong winner na binunot ngayon dito sa RMN News Nationwide.

At ang panghuli ay si Alfredo Padual ng PESO-Caloocan na binunot sa Centro Serbisyo Program.



Kasabay nito, nagpasalamat ang DZXL 558 Radyo Trabaho Station Manager Salvador “Buddy” Oberas sa mga PESO manager sa mainit at patuloy na pagkilala sa ating istasyon bilang katuwang sa pagbibigay gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments