
Umabot na sa 117 na mga lugar sa Luzon ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng bagyong Luis, Maymay, Neneng, at ng Southwest Moonsoon o ng Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos ng NDRRMC, kabilang sa mga nagdeklara ang buong lalawigan ng Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite.
Nasa ilalim din ng state of Calamity ang Dagupan, Dagupan; Santa Barbara, Mangaldan Bugalion, Mangatarem sa Pangisinan; at Rodriguez (Montalban) sa Rizal.
Gayundin ang Nasugbu, Batangas at Sablayan, Paluan, at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Aabot naman sa 8 milyong indibidwal o katumbas ng 2.3 milyong pamilya ang naitalang naapektuhan na ng nasabing mga sama ng panahon at 32 na ang naitalang nasawi.
Habang nasa halos 3 libong kabahayan na ang naitalang nasira, 6.11 billion pesos na halaga naman ang nasira sa imprastraktura at 2.32 billion pesos naman na ang halaga ng nasira sa agrikultura.










