Tuesday, September 1, 2026

NCRPO, may lead na sa nagpapakalat sa social media patungkol sa umano’y “1 week duty, 2 weeks off” ng mga pulis

May lead na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nagpakalat ng impormasyon sa social media na mayroon umanong isang linggong duty at dalawang linggong off ang mga PNP Personnel sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge BGen. Christopher Abrahano, may isa silang person of interest o POI na iniimbestigahan na sa ngayon.

Sakaling mapatunayan na siya nga ang nagpakalat ng nasabing maling impormasyon ay maaari itong maharap sa kaukulang kaso.

Nabatid na una nang itinanggi ng NCRPO ang nasabing sistema at binigyang-diin na may umiiral na regulations ang PNP sa duty hours at shifting ng mga pulis.

Karaniwan na walong oras ang isang shift ng isang pulis ngunit maaari itong umabot sa 12 oras depende sa assignment nito at sitwasyon.

Iniiwasan naman ang pagduty na lalampas sa 24 oras dahil maaari nang maapektuhan ang performance ng mga pulis.

Facebook Comments