Migo Adecer, ikinasal na sa non-showbiz partner nito

40

Ikinasal na ang aktor na si Migo Adecer sa kaniyang non-showbiz partner na si Katrina Mercado.

Sa Instagram ni Migo, makikita ang masaya nilang pagdiriwang sa isang yate kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ibinahagi rin ni Katrina ang mga larawan ng reception ng kanilang kasal na ginanap sa isang yate sa Hong Kong.


Habang nag-photoshoot din ang mga ito sa harapan ng isang amusement park at habang nililibot ang mga kalsada roon.

Una nang inanunsyo ni Migo ang engagement niya kay Katrina nito ring Disyembre.

Facebook Comments