Paggamit ng COVID-19 pills ng Pfizer para sa may moderate infection, inaprubahan na ng Britain

126

Inaprubahan na ng Britain ang paggamit ng COVID-19 pills ng Pfizer para sa adults na mayroong moderate infection sa COVID-19.

Kasunod ito ng muling pagsipa ng kaso sa nasabing bansa dulot ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) ng Britain, tinatawag ang gamot ng Paxlovid na epektibong inumin kung nasa early stages ng COVID-19 infection.


Mayroon itong 90% efficacy para maiwasan ang pagkakaospital at pagkamatay ng pasyente na may COVID-19.

Facebook Comments