Wednesday, October 14, 2026

Desisyon ni VP Sara na huwag mag-resign, hindi pakikialaman ng Malacañang

Hindi pakikialaman ng Malacañang ang desisyon ni Vice President Sara Duterte na manatili sa puwesto sa kabila ng kinahaharap na impeachment trial at mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sariling desisyon ng bise presidente kung magbibitiw ito sa puwesto o hindi.

Gayunman, iginiit ni Castro na wala ring karapatan si Duterte na hilingin ang pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya ay nakatuon sa pagtatrabaho at kapakanan ng bansa at ng mga Pilipino.

Itinanggi rin ni Castro ang mga paratang na may lihim na kasunduan ang pangulo sa mga dayuhan para ipagkanulo ang interes ng bansa.

Tinawag naman ng opisyal na kalokohan ang panawagan ni Duterte na magbitiw sa puwesto ang pangulo.

Facebook Comments