Monday, October 19, 2026

Mga alegasyon ng militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao, dapat na masuri batay sa beripikadong impormasyon at ebidensya ayon sa AFP

Inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na nirerespeto ng Armed Forces of the Philippines ang karapatan sa pagpapahayag ng saloobin at sa pagsasagawa ng mayapang pagtitipon kasunod ng kinasang kilos protesta ng ibat-ibang grupo kaninang umaga sa tapat ng gate 2 ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Kabilang sa mga nagsagawa ng rally kanina ang mga magsasaka mula sa Bicol, Southern Tagalog, Negros, at Central Luzon para kondenahin ang nagpapatuloy na militarisasyon sa mga katutubong komunidad at ang mga bantang kanilang natatanggap sa pagpapahayag ng kanilang karapatan sa lupa.

Kasama rin sa panawagan ng kanilang kilos protesta ang hustisya sa 19 na mga indibidwal o mas kilala sa Negros 19 massacre sa Taboso, Negros Occidental.

Ayon kay Padilla, ang mga alegasyon ng militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao ay dapat na masuri batay sa mga beripikadong impormasyon at ebidensya.

Aniya, anumang reklamo ay nararapat na idaan sa wastong proseso upang matiyak ang pananagutan kung may mapatunayang paglabag.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy nitong gagampanan ang pagprotekta sa mamamayan at sa bansa habang iginagalang ang Konstitusyon, ang karapatang pantao, at ang rule of law.

Facebook Comments