
Muling itataas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert ngayong araw sa Visayas Grid.
Ayon sa NGCP, itataas ito mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi pagtakbo ng malalaking coal-fired power plants na PEDC 3 at KSPC 1, gayundin ang limitadong suplay ng kuryente mula sa Mindanao dahil sa planadong maintenance ng GNPK 4 at TSI 2
Ang Yellow Alert ay itinayaas kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Facebook Comments










