Monday, August 10, 2026

Pag-aangkat ng mga animal meat mula sa 7 bansa sa Middle East at Europe, pansamantalang ipinagbabawal ng DA

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga buhay na hayop at piling produktong hayop mula sa pitong bansa sa Middle East at Europe dahil sa mga kaso ng foot-and-mouth disease (FMD).

Kasunod ito ng opisyal na ulat ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) na may outbreak umano ng FMD virus serotype SAT1 sa Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Iraq, Israel, Kuwait, at Palestine.

Kabilang sa ipinagbabawal ay ang pagpasok ng mga buhay na baboy, baka, kalabaw at iba pang hayop na madaling kapitan ng FMD, gayundin ng sariwang karne, casings, tallow, hooves, sungay at semilya ng hayop, alinsunod na rin sa Department Circular No. 39.

Sakaling may magtangkang magpasok ng nasabing mga produkto at buhay na hayop sa bansa, inatasan na ng DA ang mga veterinary quarantine officer na harangin at kumpiskahin ito.

Layon ng inisyatibo na protektahan ang sektor ng panghahayupan sa bansa laban sa isa sa mga pinakanakakahawang sakit ng mga hayop sa mundo, habang pinangangalagaan ang good security at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ang foot-and-mouth disease ay nakaaapekto sa mga cloven-hoofed na hayop, gaya ng baka, baboy, kambing, tupa at kalabaw, na maaaring makaapekto sa produksyon ng mga hayop, pagkaantala sa suplay, pagtaas ng production costs, at malaking pagkalugi sa mga magsasaka

Facebook Comments