Monday, August 3, 2026

Defense counsel, sinagot ang pahayag ng dating COA auditor kaugnay sa confidential funds ni VP Duterte

Sinagot ni defense counsel Atty. Michael Poa ang pahayag ni dating Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO) Auditor Roderick Wamil na si Vice President Sara Duterte lang ang bise presidenteng may confidential funds.

Ayon kay Poa, sinabi lang ng testigo ang saklaw ng kanyang panahon nang siya ay magtrabaho bilang auditor noong 2014 hanggang 2024.

Aniya, maari namang i-fact check ang mga dating bise presidente na may confidential funds bukod kay VP Sara.

Nabanggit ni Wamil na simula nang maupo siya noong 2014 ay walang naging confidential funds ang mga dating vice president na sina Jejomar Binay at Leni Robredo.

Facebook Comments