Monday, August 10, 2026

PBBM, magsasagawa ng situation briefing sa epekto ng Habagat ngayong umaga

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang situation briefing ngayong alas-9 ng umaga sa Malacañang, kaugnay ng epekto ng Habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Inaasahang bibigyan ng update ang pangulo tungkol sa kalagayan ng mga residenteng naapektuhan, pinsala sa imprastraktura, at mga hakbang ng pamahalaan para sa mga apektadong komunidad.

Maaari ring maglabas ng karagdagang direktiba si Pangulong Marcos batay sa mga ulat ng mga ahensya.

Nauna nang inatasan ng pangulo ang mga concerned agencies na manatiling naka-heightened alert at tiyaking ligtas ang mga komunidad, lalo na sa posibleng pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam.

Facebook Comments