Tuesday, August 4, 2026

Palasyo, itinangging may special treatment kay Revilla sa pagpayag ng korte na makapagpyansa

Palasyo, itinangging may special treatment kay Revilla sa pagpayag ng korte na makapagpyansa

Itinanggi ng Malacañang na may espesyal na pagtrato kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos itong payagang makapagpyansa sa kinakaharap na kasong malversation.

Ito’y kasunod ng pangamba ng ilang grupo na maaaring makaapekto sa kampanya kontra korapsyon ng administrasyon ang desisyon ng Sandiganbayan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging pasya ng Sandiganbayan dahil hiwalay ang kapangyarihan ng hudikatura sa ehekutibo.

Iginiit din ni Castro na kung may special treatment kay Revilla bilang kaalyado ng pangulo ay hindi sana ito naging unang personalidad na kinasuhan kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Nilinaw pa ng Palasyo na hindi pa tapos ang kaso ni Revilla dahil pyansa lamang ang pinayagan ng korte habang nagpapatuloy ang paglilitis.

Facebook Comments