
Huli ang 2 aktibong pulis sa Caloocan sa ikinasang buy-bust operation matapos ang ilegal na pagbebenta ng mga baril sa Brgy. 5, Caloocan City kaninang 5:30 ng umaga.
Ang mga suspek ay may ranggong Police Staff Sergeant at ang isa ay Police Master Sergeant.
Narekober sa kanila ang 2 Philippine National Police (PNP) issued na baril, isang calibre 38 revolver, isang 12-gauge shotgun, mga bala, markadong buy-bust money, cellphones at 2 motorsiklo na walang mga plaka.
Ang mga nasabing naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Caloocan City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Kaugnay nito, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek.
Facebook Comments










