Monday, August 3, 2026

Testimonya ni COA auditor Roderick Wamil, nagpatunay na may direktang kamay si VP Sara sa paggastos ng confidential funds

Binigyang-diin ni House legal spokesperson at private prosecutor Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na malinaw ngayon na may direktang kamay si Vice President Sara Duterte sa paggastos at liquidation ng 125-million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Sinabi ito ni Tolosa batay sa testimonya sa impeachment trial ni Commission on Audit (COA) auditor Roderick Wamil at presentation ng liquidation report, disbursement voucher, accomplishment report at certification na pawang may lagda mismo ni VP Duterte.

Punto ni Tolosa, ang nabanggit na mga dokumento ay nagmula mismo sa OVP na isinumite nila sa COA bilang bahagi ng liquidation report na nagpapakitang ginamit ang nabanggit na salapi sa loob lamang ng 11-araw o simula December 21 hanggang 31, 2022.

Diin ni Tolosa, malinaw na may pananagutan si VP Duterte kung lalabas sa paglilitis na may mali talaga sa paggamit ng confidential funds na nakaaan sa kanyang tanggapan.

Facebook Comments