Pagsasabatas ng National Hijab Day, nagpapakita ng pagrespeto sa lahat ng Pilipino anuman ang relihiyon, kultura, at kasuotan

Ikinalugod ni House Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12224 ng National Hijab Day tuwing February 1.

Para kay Hataman, malaking hakbang ito para maipakita ang respeto hindi lang para sa mga kapatid nating Muslim kundi para sa lahat ng Pilipino anuman ang relihiyon, kultura o kasuotan.

Paliwanag ni Hataman, ang Hijab, tulad ng ibang traditional attire, ay hindi lang kasuotan kundi may hatid ding mensahe ng paninindigan sa pananampalataya at pinagmulan, hindi lang ng mga kababaihang Muslim, kundi ng lahat ng mga Pilipino.

Ayon kay Hataman, ang National Hijab Day ay paglalaan ng isang araw para ipaalala sa atin na ang Pilipinas ay tahanan sa iba’t ibang pananampalataya, tradisyon, at kultura.

Diin ni Hataman, kailangan ng pagkilala at pagrespeto sa bawat isa para mapanatili ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.

Facebook Comments