
Ligtas nang nakauwi sa bansa ang apat na opisyal ng Department of Agriculture (DA) na nastranded sa harap ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Sumasailalim sa study mission sa Israel sina Philippine Carabao Center (PCC) Executive Director Liza Battad at mga opisyal ng National Dairy Authority (NDA) na sina Rowena Bautista at Angelica Escanilla nang sumiklab ang palitan ng air strike ng dalawang bansa.
Noong June 14 pa sana nakabalik sa Pilipinas ang delegasyon, gayunman, nakansela ang kanilang flight dahil sa pagkagambala ng regional airspace dahil sa kaguluhan.
Ang mga opisyal ay tumuloy sa Hotel Kibbutz Shefayim sa Central Israel, kung saan pinagdaanan nila ang napakaraming missile at bomb alerts sa kanilang extended na pananatili roon.
Sa kabila ng matensiyong sitwasyon, nagtulungan ang Philippine Embassy sa Israel at MASHAV- ang ahensiya ng Israel for International Development Cooperation upang masiguro ang kanilang ligtas at maayos na paglikas.
Ang study mission ay bahagi ng pinalawak na hakbang ng DA upang magsaliksik ng pinakamainam na kasanayan sa dairy productionna layuning mapalakas ang dairy sector ng Pilipinas.