BIR, nakatakdang ilunsad ang digital track-and-trace system kaugnay ng pinaigting na crackdown sa illicit vape trade

Inihahanda na ngayon ang rollout ng isang digital track-and-trace system na may kakayahang matukoy kung peke ang mga vape product at iba pang excisable goods sa pamamagitan lang ng QR codes gamit ang smartphone.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang inisyatiba ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang paglipana ng mga smuggled at unregulated vape product, dahilan upang malugi ang gobyerno sa anyo ng buwis.

Ani Lumagui, sa pamamagitan ng bagong sistema, mapapabilis ang trabaho ng mga law enforcement effort at mapoprotektahan din ang mga negosyo na legal sa batas na nag-o-operate.

Aminado ang BIR chief na malaking hamon ang paghabol sa illegal vape products dahil masyadong mapamaraan ang mga retailer sa pagtatago ng kanilang mga unregistered product mula sa mapanuring mata ng mga inspectors.

Sa ngayon, napakabilis ang paglipat ng mga gunagamit ng sigarilyo sa pagtangkilik sa vape, lalo na sa sektor ng kabataan.

Facebook Comments