PNP, saludo sa suportang ibinigay ni outgoing President Rodrigo Duterte sa kanilang hanay

Pagsaludo kay outgoing President Rodrigo Duterte ang ibibigay ng hanay ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang pagbaba sa pwesto.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Major Gen. Valeriano de Leon hindi matatawaran ang suporta ni Pangulong Duterte sa PNP.

Aniya logistically, morally at lahat lahat ng kailangan ng PNP para labanan ang salot sa lipunan partikular ang kanilang kampanya kontra iligal na droga ay ibinigay ng Pangulong Duterte sa kanila.


Ito aniya ang dahilan bakit manageable na ngayon ang drug situation sa bansa.

Natutuwa rin daw ang PNP dahil inihayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ipagpapatuloy nito ang effort laban sa iligal na droga sa bansa na tiyak aniyang magbebenepisyo sa susunod na henerasyon at poprotekta sa mga law abiding citizens.

Facebook Comments