
Marami pa sa ngayon ang available na ticket sa Victory Liner para sa mga nagpaplanong umuwi sa Undas, pero inaasahan umano ng nasabing bus terminal na dadagsa ang mga pasahero sa October 30.
Ayon kay Robert Silvestre, Terminal Master ng Victory Liner, 60% o mahigit 4-k pasahero na ang nag-book in advance ng kanilang ticket para sa October 30, pauwi sa kani-kanilang mga probinsya para sa Undas, at karamihan nga dito ay papunta sa Baguio, Pangasinan, Olongapo, at Zambales.
Yung 60% na pasaherong nakabili na ng ticket eh pasok pa lang doon sa 120 regular trip ng nasabing bus terminal, at dahil nga UNDAS at may special permit namang nakuha ang Victory Liner mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay magkakaroon pa yan ng extra o additional trip, kung kaya’t posibleng pumalo sa 200 trips ang byahe ng mga bus ng Victory Liner ngayong Undas.
Sa ngayon, hindinpa masyadong matao sa mga Terminal dito sa Quezon City pero dito sa Victory Liner eh pinaghahandaan nila yung kondisyon ng kanilang mga bus at mga disiplinadong tauhan, para sa darating na UNDAS.










