Thursday, November 5, 2026

51 na Pinoy, na-detain sa Cambodia dahil sa illegal scam hubs

Aabot limampu’t isang (51) Pilipino ngayon ang nakakulong sa Cambodia matapos mahuli sa mga ilegal na scam operations sa Cambodia.

Batay sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW), 28 sa kanila ang nahaharap sa mabibigat na kasong kriminal na may parusang 5 hanggang 10 taong pagkabilanggo.

Papatawan naman ang 23 iba pa ng misdemeanor charges na may 2 hanggang 5 taong pagkakakulong, kung saan nakatakdang maglabas ng desisyon ang korte sa Cambodia sa December 6.

Binigyang-diin ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang mga kababayang sadyang nakibahagi sa cybercrime.

Samantala, titiyakin pa rin ang proteksyon at non-punishment principle para sa mga kababayang napatunayang naloko lamang.

Kasalukuyan nang nakikipagtulungan ang Migrant Workers Office sa Cambodia at HBS Law Firm upang magkaloob ng legal assistance at tiyaking nasusunod ang due process para sa mga nadakip na OFW.

Facebook Comments