BABAE, ARESTADO SA LINGAYEN DAHIL SA APAT NA KASO NG QUALIFIED THEFT

Arestado ang isang 57-anyos na babae matapos ipatupad ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng apat na bilang ng kasong qualified theft sa Lingayen, Pangasinan.

Isinagawa ang pag-aresto dakong ala-una ng hapon noong Nobyembre 1 ng mga tauhan ng Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company bilang lead unit, katuwang ang Alaminos City Police Station.

Batay sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Qualified Theft na may piyansang 40-libong piso para sa bawat kaso, o kabuuang 160-libong piso para sa apat na kaso.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company ang akusado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments