Task Force Shield activated na kasunod nang nalalapit na inagurasyon ni President-elect BBM

67

Handang-handa na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na sa katunayan ay activated na ang Task Force Manila Shield ngayong araw.

Ayon kay Usec. Malaya sa ilalim nito magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa paligid ng National Museum kung saan manunumpa ang ating ika-17 pangulo ng bansa.


Umiiral na rin aniya ang gun ban at sa mga susunod na araw ay magpapatupad narin ng mga road closures.

Kasunod nito, sinabi ng opisyal na wala naman silang namo-monitor na seryosong banta sa inagurasyon ni Bongbong Marcos (BBM) sa Huwebes.

Pero pakiusap nito sa mga magsasagawa ng kilos protesta na maging mahinahon at mapayapa sa pagpapahayag nila ng kanilang saloobin.



Facebook Comments