Nakiisa sa isang Chair Zumba activity ang mga senior citizen sa Dagupan bilang bahagi ng programang naglalayong isulong ang kanilang kalusugan at aktibong pamumuhay.
Bukod sa pagtanggap ng tulong pinansyal, nakilahok ang mga lolo at lola sa ehersisyong idinisenyo upang maging ligtas para sa kanilang mga kasukasuan habang nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan at pagpapabuti ng kanilang kalusugan.
Ayon sa mga organizer, layunin ng Chair Zumba na hikayatin ang mga nakatatanda na manatiling aktibo sa pamamagitan ng ligtas at angkop na pisikal na aktibidad. Dagdag pa rito, ang masiglang musika at sama-samang pag-eehersisyo ay nakatutulong din sa pagbawas ng stress at pagpapataas ng kanilang sigla.
Patuloy namang isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizen sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











