Tuesday, October 27, 2026

NBI, nanawagan kay Senator Bato na sumuko na lang

Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na gawin ang tamang hakbang bilang dating opisyal ng law enforcement habang patuloy ang pagtugis sa kaniya ng mga awtoridad.

Binigyang-diin ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na layunin nilang madakip agad ang senador dahil sa commitment ng bansa sa international community at sa taumbayan na makakuha ng malinaw na mga kasagutan.

Nilinaw ng NBI na wala silang ginagawang anumang negosyasyon at nakatutok lamang sa pagbabantay at pagproseso ng mga natatanggap na impormasyon.

Ayon kay Matibag, naisumite na nila sa Department of Justice (DOJ) ang ulat para sa hiwalay na kasong obstruction of justice na kinakaharap kaugnay ng mga naunang pagtatangkang paghuli sa senador.

Facebook Comments