Thursday, October 29, 2026

PNP, muling nanagawan kay Sen. Bato na sumuko na

Muling nanawagan ang Philippine National Police (PNP) kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na boluntaryo nang sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, nais nila na matapos ito ng may dignidad at maiwasan na sana ang hindi kanais-nais na pangyayari o anumang panganib kaninuman sa pagsasagawa nila ng operasyon.

Nabatid na bukas ang huling araw ng palugit na ibinigay ng PNP kay Dela Rosa para sumuko kasunod ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs noong panahon ng administrasyong Duterte.

Sakali mang hindi pa rin magpakita si Dela Rosa sa tinakdang ultimatum ay tiniyak ng PNP na patuloy ang manhunt nila sa nasabing senador.

Facebook Comments