Monday, June 22, 2026

DepEd, nag-deploy na ng critical medical assistance at psychosocial interventions sa mga estudyanteng apektado ng shooting incident sa Tacloban City

Nababahala ang Department of Education (DepEd) sa trahedya kaugnay ng nangyaring shooting incident sa San Jose National High School in Tacloban City kaninang umaga.

Ayon sa DepEd, ikinukunsidera nila itong high-alert situation.

Inihayag ng DepEd na nagtutulungan na sa ground ang Central Office officials, gayundin ang regional at division office personnel para sa seguridad ng premises.

Nakikipagtulungan na rin anila ang DepEd Region 8 sa government agencies para sa pag-deploy ng critical medical assistance at psychosocial interventions sa mga apektadong learners at personnel.

Sa nasabing shooting incident, tatlo ang nasawi at 5 ang nasugatan.

Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek ay child in conflict with the law (CICL) at siya ay hawak na ng mga otoridad.

Facebook Comments