Sinuri ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Urdaneta City ang ilan sa kagamitan na posibleng magdulot ng sunog sa mga kabahayang binisita sa kanilang isinagawang House-to-house fire safety survey sa Zone 3 San Vicente sa nasabing lungsod.
Sa ibinahaging post ng tanggapan, kita ang pag-check ng mga tauhan sa mga fuse at wire na dinadaluyan ng kuryente, kalagayan ng mga LPG na ginagamit sa pagluluto at maging pagbabahagi ng impormasyon ukol sa pag-iwas sa sunog.
Ibinahagi rin sa kumunidad ang mga kaalaman sa disaster preparedness, at emergency response.
Bahagi ang pagbabahay-bahay na ito na maiparating sa publiko ang kanilang pakikibahagi, kooperasyon at responsibilidad sa pagprotekta sa kanilang buhay at ari-arian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











