Monday, July 13, 2026

Mahigit 150K na indibidwal, apektado ng Bagyong Inday at habagat —DSWD

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng Bagyong Inday at habagat.

Batay sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring, Information, and Communication, nasa 669,264 na katao o katumbas ng 150,903 na pamilya ang naapektuhan ng sama ng panahon mula sa 927 na barangay.

Kabilang sa apektado ay region 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 9, 10,11,12 AT BARMM
Nasa 17,974 katao o katumbas ng 4,333 na pamilya ang nanatili sa may 134 na evacuation sites.

Habang nasa 42,955 na katao ang nakikisilong sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Naitala naman sa 291 ang mga kabahayan na totally damaged habang 817 ang partially damaged.

Facebook Comments