Friday, June 5, 2026

Sen. Erwin Tulfo, sasampahan ng kaso ang 18-ex marines na nagdawit sa kanya sa flood control scam

Planong sampahan ng kaso ni Senator Erwin Tulfo ang 18-ex marines na nag-aakusa na hinatiran siya at maraming iba pa ng male-maletang pera mula kay dating Congressman Zaldy Co.

Sinabi ni Tulfo na natatawa pa siya sa mga gawa-gawang kwento ng 18 dating sundalo sa harap ng bagong minority bloc na tinaguriang Cayetano bloc.

Pero iginiit niyang hindi niya palalagpasin ang nangyaring ito kaya naghahanda na siya sa pagsasampa ng kaso para maobliga ang 18 na magharap ng ebidensya sa korte.

Hinamon na rin ni Tulfo ang 18 na magsampa ng kaso sa office of the Ombudsman kung talagang may katibayan laban sa kanya.

Tingin ni Tulfo, tina-target siya pati ang kanyang kapatid na si Senator Raffy Tulfo para siraan, dahil itinuturing silang banta sa 2028 presidential at vice presidential elections dahil mataas sila sa mga survey.

Facebook Comments