2 lalaki – patay matapos makuryente sa Calapan City, Oriental Mindoro

Calapan City, Oriental Mindoro – Patay ang dalawang lalaki matapos makuryente sa Barangay Sta Rita., Calapan City, Oriental Mindoro kaninang tanghali.

Sa ulat ng PNP MIMAROPA, ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Elybert Marimon, 41 anyos, at Ivan Cabanilla.

Sa inisyal na report alas-11:30 ng tanghali kanina habang sakay ng Isuzu truck na may plate nos WIG919 na pag-aari ng isang Estella Macapagal ang mga biktima ay bigla na lamang nahagip ng boom ng truck ang linya ng kuryente.


Dahil dito nakuryente ang dalawa at agad na namatay.

Facebook Comments