2 lalaki sa Muntinlupa, arestado dahil sa droga

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng droga sa Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Ernesto Diego, 42-anyos, at Jose Cruz Alvarez, 37-anyos, parehong residente ng Rizal Village Alabang.

Nakuha mula sa kanila ang isang gramong hinihinalang droga na may katumbas na halaga na P6,800.


Batay sa ulat ng Muntinlupa Police, ginawa ang nasabing operasyon sa Rizal Village, P. Damaso St., Brgy. Alabang pasado alas-5:30 kahapon.

Nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments