Wednesday, May 20, 2026

Kinatigan ni Senador Raffy Tulfo ang pahayag na walang pag-atake na nangyari sa Senado matapos ang insidente ng barilan sa pagitan ng OSAA at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay ito ng pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang attack na naganap sa Senado batay sa mga ebidensya.

Ayon kay Tulfo, hindi naman sangkot ang mga senador sa insidente at wala rin umanong direktiba mula kay Senate President Alan Peter Cayetano na mag-warning shot ang OSAA.

Giit pa ng senador, hindi dapat basta-basta nagpapaputok ng baril para sa warning shot, at batid ito ni suspended Senate-Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, na dating opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Punto pa ni Tulfo, wala sa standard operating procedure (SOP) ng PNP ang pagwa-warning shot, lalo na sa gitna ng kaguluhan, dahil posibleng mag-ricochet ang bala at magdulot ng panganib sa iba.

Para sa senador, dapat maparusahan ang parehong OSAA at NBI na sangkot sa insidente at maimbestigahan ang lahat ng posibleng may kinalaman, kabilang ang PNP at militar na naroroon sa lugar.

Facebook Comments