
Kinumpirma ni SILG Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng Pilipinas ang kontrobersyal na negosyante at gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang.
Batay sa pahayag ng kalihim, ginamit ni Ang ang “backdoor route” upang makatakas at makalabas ng bansa nang hindi napapansin ng mga awtoridad.
Matatandaang kabilang si Ang sa mga itinuturong utak at pinaghahanap pa rin ukol sa serye ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero noong 2021 hanggang 2022.
Nang tanungin hinggil sa mga detalye ng kaniyang pag-alis, tumanggi muna ang kalihim na ibahagi ang eksaktong araw o paraan ng pag-alis ni Ang.
Hindi rin ibinigay ang impormasyon sa huling natukoy na kinaroroonan ng gambling tycoon habang patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng ahensiya.
Facebook Comments










