Saturday, October 24, 2026

Mga pagbabago sa PCO, unti-unting ipatutupad

Unti-unting ipatutupad ni Presidential Communications Office o PCO Acting Secretary Lino Cayetano ang mga pagbabago sa ahensya, batay sa pangangailangan at resulta ng pagsusuri sa trabaho ng bawat tanggapan.

Ayon kay Cayetano, walang takdang panahon ang mga pagbabago dahil may mga hakbang na maaaring maisagawa sa loob ng ilang araw, habang ang iba ay mangangailangan ng ilang buwan.

Tiniyak naman ng kalihim na magpapatuloy ang operasyon ng ahensya at mga attached agency nito habang isinasagawa ang mga pagbabago.

Hindi rin aniya agad magkakaroon ng reshuffle o malawakang ebalwasyon sa mga tauhan. Sa halip, araw-araw na susuriin ang trabaho upang matukoy ang mga dapat pang pagbutihin.

Kasabay nito, palalakasin din ng PCO ang pakikipagtulungan sa media upang mas maiparating sa publiko ang mga programa at polisiya ng administrasyong Marcos.

Facebook Comments