2 pang babaeng biktima ng human trafficking, na-rescue ng PCG

47

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang babaeng biktima ng trafficking in person sa Bongao, Tawi-Tawi.

Sa imbestigasyon ng Violence Against Women and Children (VAWC) Helpdesk, lumalabas na ang dalawang babae na may edad 26 at 31 ay mula pa sa Valenzuela City at Cavite.

Ayon sa kanila, nakarating sila ng Tawi-Tawi dahil pinangakuan sila ng trabaho sa Sabah, Malaysia.


Idadaan sana ang mga biktima sa pamamagitan ng “backdoor channel.”

Gayunman, hindi na nagpakita sa kanila ang illegal recruiter matapos silang pasakayin ng barko.

Facebook Comments